Filtered By: Showbiz
Showbiz

Little Robin or Little Mariel: Baby Isabella is almost four months old!


Magiliw na ibinahagi ng proud mom na si Mariel Rodriguez ang isang close-up photo ni Baby Isabella, ang panganay na anak nila ng kilalang action star na si Robin Padilla.

Ipagdiriwang ng mag-anak ang ikaapat na buwang kaarawan ng kanilang unica hija sa darating na Martes, March 14.

“Time really flies. Cherishing every moment I have with her—a love like no other,” ayon kay Mariel sa isang Instagram post nitong Lunes.

 

 

Matatandaang isinilang si Baby Isabella sa America noong nakaraang Nobyembre, at sabay silang bumalik ni Mariel sa Pilipinas matapos ang dalawang buwan upang makapiling na si Robin.

Sa ngayon, magkatuwang ang mag-asawa sa pagpapalaki sa kanilang unang anak, na isang malaking biyaya umano matapos ang dalawang masalimuot na miscarriage na dinanas ni Mariel. 

[WATCH: Mariel Rodriguez gives birth to Baby Isabella

LOOK: Robin Padilla, nakapiling na ang kaniyang mag-inang sina Mariel at baby Isabella 

— Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News