Tanggap na ba ni Jaclyn Jose ang bagong boyfriend ng anak niyang si Andi Eigenmann?
Tila ito ang gustong ipahiwatig ng Cannes Best Actress sa kanyang magkasunod na posts sa Instagram nitong Huwebes ng gabi, January 19.
Unang ipinost ni Jaclyn ang larawan ng boyfriend ngayon ni Andi na si Emilio Arambulo.
Sa caption, nagpasalamat ang veteran actress kay Emilio dahil sa pagiging “father image” nito sa apo niyang si Ellie.
Si Ellie ay anak ni Andi sa dati niyang boyfriend na si Jake Ejercito.
Pahayag ni Jaclyn, “Thank you for being with my Belle when she needed a father image. I truly admire you for loving my child and my grandchild.”
Base sa comments ng ilang IG followers ni Jaclyn, sinabi ng mga ito na modelo raw si Emilio.
May nagsabi ring galing ito sa “well-off family,” hindi lang daw kasing sikat ng mga Ejercito, ang angkan na kinabibilangan ni Jake.
Si Jake ay anak ni dating Pangulo at ngayo'y Manila mayor na si Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.
Sunod namang ipinost ni Jaclyn ang isang larawan nina Emilio at Ellie na parehong nakatalikod.
Sabi ng Alyas Robin Hood actress sa caption: “At that night, you proved that you're capable of taking (care) of my Belle.
“There is so much observation, looking for a mistake: Sa isip ko, isang pagkakamali mo lang, pero wala.
“You proved with no effort at all that you can indeed be there for Ellie when her mom is asleep... kasi di naman ako makapag-thank you sa wala.”
Sa comment section, may pahabol pang mensahe si Jaclyn: “I was saying that Emilio was there when Emilio wasn't...”
Juan Emilio ang tunay na pangalan ni Jake, kaya madaling naikonek ng IG followers ni Jaclyn na ang biological father ni Ellie ang pinariringgan ng aktres sa caption nito.
Ilang followers naman ni Jaclyn ang nagkomento at sinabing siguradong matutuwa si Emilio sa IG posts na ito ng ina ni Andi.
Sabi ni @ilovecheapclothingph: “We still hope magkaayos-ayos kayo for Ellie. But this post of yours will really make Emilio Arambulo happy and the other Emilio hmmm hurt.”
Ngunit paalala ng IG user na si @zakiluke kay Jaclyn: “wag mo isisi lahat kay Jake may kasalanan din ang anak mo."