^

Bansa

ConCon, suportado ng Simbahan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Suportado ng Simbahang Katolika ang Constitutional Convention.

Ito ang naging pahayag ni Diocese of Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani kaugnay sa pinaplano ni President elect at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na amyendahan ang Saligang Batas sa pamamaraan ng constitutional convention.

Sinabi ni Bishop Bacani na pabor ang Simbahan sa Constitutional Convention o Con-Con na boses at pangangailangan mismo ng taumbayan sa ma­kabagong panahon ang pinapaburan nito.

Nilinaw rin ng Obispo na ang tinututulan ng Simbahan ay ang Charter Change sa pamamagitan ng constitutional assembly na  kontrolado lamang ng Kongreso.

Ayon kay Bishop Bacani, mahalaga na isasagawa ang Con Con kabilang ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sector ng lipunan na silang magiging batayan sa magraratipika ng konstitusyon.

Kabilang sa mga probisyon sa konstitusyon na nais baguhin ng Duterte administration ay ang umiiral na 60-40 sa foreign ownership.

Pinapayagan nito ang mga dayuhan na magmay-ari ng 100 porsiyento ng negosyo sa bansa.

Ngunit, nilinaw na tutol ang susunod na pangulo na payagan ang mga dayuhan na magmay-ari ng mga lupa sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with