^

Bansa

Comelec handa na!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Handang-handa na ang Commission on Elections sa ikatlong natio­nal automated polls ng bansa.

Sa ilalim ng Philippine Constitution’s Article IX-C, Section 2, ang Come­lec ang in-charge sa eleksyon. Ang Comelec ang nagpapatupad ng lahat ng batas at regulas­yon na may kinalaman sa isasagawang halalan.

Nangangako ang Co­melec ng isang credible election sa lahat ng mga botanteng Filipino. Nga­yon, mahigit 50 milyon ang botante na makaka­boto at ang resulta nito ay nakasalalay sa kung paano kikilos ang Come­lec sa napakahalagang araw na ito.

Ilang araw bago ang eleksyon, sinabi ni Come­lec Chairman Andres Bautista na ang “credible elections should not only be honest, but also perceived to be honest by the majority of the citizenry.”

Kaya naman ang bola ay nasa panig na ng Comelec. Mahigit 92,000 Vote Counting Machines (VCMs) at election paraphernalia ang idineliber ng technology provider na Smartmatic bago pa man ang Mayo 9.

Nakumpleto na ang Hardware Acceptance Tests, Pre-election Logical Accuracy Tests, local at independent source code reviews. Ang Comelec na ang tanging magpapatakbo ng palabas.

Sa araw ng eleksyon, ang Comelec Board of Election Inspectors (BEIs) at Election Officers ang magpapatakbo ng VCMs sa mga polling centers. Ang canvassing at consolidation ng mga boto ay isasagawa ng Board of Canvassers sa bawat municipality, city, distrito at mga probinsya. Para sa senators at party-lists, ang Comelec din ang tatayong National Board of Canvassers. 

Samantala, ang Kongreso at Senado ang aaktong National Board of Canvassers para pagsama-samahin ang country-wide votes at iproklama ang winners para sa posisyon ng President at Vice-President.

Para matiyak na lahat ng mga problemang teknikal ay agad masosolusyon sa araw ng halalan, ang Smartmatic ay magbibigay ng suporta sa pamamagitan ng National Technical Support Center (NTSC)— isang call center na sadyang itinayo para maging guide at alalayan ang mga BEIs sa pagresolba ng mga technical incidents sa VCMs at CCS.

Inaasahan ang mataas na voter turnout at 100% transmission rate. Nakahanda na ang mga contingencies para tiyakin na wala ni isang botante ang madi-disenfranchised.

Libo-libong election personnel sa buong bansa ang muling sinanay ng Comelec para masunod ang bagong ruling ng  Supreme Court sa paggamit ng vote receipts. Kaya handang- handa na ang entablado at ang tanging nalalabing aksyon ay ang pagboto. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with