^

Bansa

Campaign manager itinumba sa Batangas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay sa pananambang ang isang campaign manager ng tumatakbong alkalde sa bayan ng Sto. Tomas sa Batangas nitong kamakalawa.

Ayon sa ulat ng The Filipino Connection, nakilala ang biktimang si Mario Rivera, 63, na residente ng Barangay San Pablo.

Base sa pangunang imbestigasyon, nakatayo lamang sa labas ng isang supermarket si Rivera sa may Maharlika Highway nang lapitan siya ng isang lalaking naka puting long sleeve bago barilin sa ulo.

Kaagad nakatakas ang suspek sakay ng isang dilaw na sasakyan patungong Calamba, Laguna.

Naisugod pa sa St. Frances Cabrini Medical Center si River ngunit binawian din siya ng buhay habang ginagamot.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng krimen.

Nitong Marso lamang ay tinambangan naman ng armadong kalalakihan ang kapitan ng Barangay Mataas na Kahoy.

Ito ang kauna-unahang election related crime sa lalawigan mula 2010.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with