^

Bansa

Interfaith rally para sa maayos, mapayapang eleksyon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagnanais na magkaroon ng maayos at mapayapang halalan sa Lunes, ang tinaguriang “Silent Majority” ay nagdaos ng isang Interfaith Prayer Rally sa Quezon City kahapon.

Ang Interfaith Praise and Worship Rally for Peaceful Elections na may temang ‘Isang Tinig Pilipinas,’ ay ginawa sa QC Memorial Circle Grounds, Liwasang Aurora.

Sa nasabing rally, ipinagdasal ng iba’t ibang religious groups at leaders ang lahat ng mga Pilipino para mabigyan ng gabay sa pagpili ng mga iboboto sa eleksiyon sa Lunes.

“Our goal is to pray for enlightenment so we may have clean and peaceful elections,” ayon sa pahayag ng grupo.

“Everyone is invited. But since this is a RoRo event, we encourage our supporters to wear yellow and bring candles,” dagdag ng grupo.

Dumalo sa pagtitipon ang mga aktor at mang-aawit na sumusuporta sa Roxas-Robredo tandem para magbigay ng mga awit papuri.

Kabilang dito sina Gary Valenciano, Dessa, Noel Cabangon at ang kanyang anak.

Gayundin si Broadcaster Korina Sanchez, misis ni Liberal Party (LP) presidential bet  Mar Roxas.

Ayon kay Jozy Acosta-Nisperos, founder ng The Silent Majority ang “Isang Tinig, Pilipinas” ay tugon sa kahilingan ng mga  miyembro na magsagawa ng prayer rally upang ipagdasal ang mga botante sa pagpili ng tamang kandidato.

Ang TSM ay isang Roxas-Robredo citizen-driven social media group na may mahigit sa 250,000 miyembro.

Una rito, nagpahayag ng suporta ang  “The Silent Majority” kay Roxas at nangakong tutulungan itong makamit ang tagumpay sa May 9 elections.

Kasabay ng pasasa­lamat, hinimok ni Roxas ang grupo na huwag nang manahimik at ipahayag ang kanilang saloobin.

“Let your voice be heard. Let us fight the good fight. This is the fight for decency, for honesty. This is the fight for our country’s future,” ayon kay Roxas.

Hinimok din ni Roxas ang kanyang mga taga-suporta na samahan siya sa patuloy sa paglaban para sa mas mabuting Pilipinas hindi lamang sa Mayo 9 kundi pagkatapos ng eleksiyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with