^

Bansa

Holy Week ‘wag ubusin sa beach resorts

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaasa si Lipa Archbishop Ramon Arguelles, na hindi maubos ang panahon ng bakasyon ng mga mananampalataya sa mga beach resorts, malls at mga pasyalan sa buong panahon ng Holy Week.

Hinimok ng Arsobispo ang mamamayan na ga­wing mabunga at tunay na makabuluhan ang paggunita ng Mahal na Araw at gugulin ang panahon ng bakasyon para sa pagninilay, pananalangin at pagkawanggawa kasama ang buong pamilya para mapatatag ang relasyon sa Diyos. 

“Itong holy week ay intense moments of relationship with God, sana ay ganun sila it’s ok na halimbawa mag-uwian tayo sa ating tahanan, bonding with the families at sa ating mga friends na naiwan sa bahay that’s very good pero kung kayo ay mag-swimming, magba-bathing, makikihalo para lang nagpupunta lang kayo sa mall to enjoy the secular pleasure ay that is against the spirit from which we have,” ani Archbishop Arguelles.

Hindi dapat mapalitan ng mga materyal na kasiyahan ang dapat sana ay panahon ng kabanalan at pagbabalik loob sa Diyos. 

Hinimok naman ng Arsobispo ang mga mananampalataya na bisitahin ang mga pilgrimage churches sa Pilipinas ngayong Semana Santa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with