^

Bansa

Poe umangat sa Metro Manila

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Habang umaangat ang ratings sa Metro Manila ni Sen. Grace Poe, mahihirapan nang mapanatili ni Davao City Mayor Rod­rigo Duterte ang kanyang number one ranking sa Presidential Elections sa Mayo 9 sanhi na rin ng nabistong umano’y undec­lared wealth na umabot sa P211 milyon.

Sa Pulse Asia survey na kinomisyon ng ABS-CBN para sa petsang Abril 19 to 24, si Poe ang most preferred candidate sa mga presidentiable sa buong Luzon na may 29% prefe­rence kumpara sa 20% ni Duterte.

Sinabi ng mga political analyst na patas sa estadistika sa National Capital Region o Metro Manila sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Poe sa nakuhang 34% at 26 %, ayon sa pagkakasunod.

Pero kung papansin sa April 16-20 Pulse survey, 40% si Duterte sa NCR o pagbaba ng 6 puntos sa April 19-24 survey.

Bagamat si Duterte pa rin ang top choice sa Min­danao at Visayas, isinagawa ang survey nang hindi pa pumuputok ang kanyang mga sikretong bank accounts.

Naglutangan pa nga­yon na may 41 ari-arian siya sa buong bansa at mayroon din umano siyang offshore bank accounts sa Singapore, Malaysia at China na sinisiyasat na ngayon ng Anti-Money Laundering Council.

Noong bago pa lamang magsimula ang hu­ling bahagi ng Presidential Debate sa Pangasinan noong Abril 25, bumagsak na agad ng 6% ang kanyang ra­ting base sa April 20-23 survey na isinagawa ng SWS. Mula 33% sumadsad siya sa 27% habang may 26% ang pinakamalapit niyang kalaban na si Poe, na tumaas ng 2% mula sa dating 24%.

Idinagdag din sa DZMM report ni da­ting vice president Noli “Kabayan” de Castro na “statiscally tied” na sina Duterte at Poe para sa pampanguluhang survey bagamat ikinaila ng SWS na nagsagawa ang poll firm ng survey sa gayong petsa.

Ngunit sa bagong pinasabog ni Sen. Antonio Trillanes IV na may P211M hidden bank account si Duterte sa BPI Julia Vargas Ave. branch sa Pasig City, lalo pang babagsak ang ratings ng Davao City mayor dahil sa kanyang pagsisinungaling nang kapanayamin ng mga miyembro ng media.

Napaamin na lamang siya noong Huwebes nang lumantad at naging viral sa Facebook ang larawan ng deposit slip na nakapangalan kay “Rodrigo Roa Duterte or Rodrigo Roa Duterte and Sara Z Duterte.”

Kung bumabagsak ang ranking ni Duterte, taliwas naman ito sa nangyayari kay Poe.

Sa loob lamang ng limang araw pagkatapos ng huling Presidential Debate sa Pangasinan, pitong mga gobernador ang kumalas sa kanilang dating political party at mas piniling suportahan ang kandidatura ng senadora. Naniniwala ang mga gobernador na si Poe ang makapagbibigay sa kanila nang totoo at maayos na pamamahala ng bansa.

Kabilang sa mga ito ang limang gobernador ng Bicol na sila Albay Gov. Joey Salceda, Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado, Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte, Sorsogon Gov. Raul Lee at Catanduanes Gov. Cely Wong. Habang sumama na rin kay Poe sila Gov. Ruth Rana Padilla ng Nueva Vizcaya at da­ting Gov. Amor Deloso ng Zambales.

Bukod sa paglipat ng pitong gobernador kay Poe, inaasahang magdudulot pa nang higit na positibong pagtaas sa kanyang rating ang pakikipagdebate ng senadora kay Duterte upang ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan na patuloy namang binababoy at inaabuso ng alkalde sanhi ng kanyang mga masamang biro. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with