Dayaan itinanggi ng Malacañang
MANILA, Philippines – Itinanggi kahapon ng Malacañang na nandadaya ang Palasyo para maipanalo si Camarines Sur Rep. Leni Robredo gaya ng akusasyon ng kampo nina Sen. Miriam Defensor-Santiago at Sen. Bongbong Marcos Jr.
Sinabi ni Communciations Sec. Sonny Coloma, hindi totoo at walang batayan ang nasabing akusasyon ni Sen. Santiago na may ginagawang pandaraya ang Palasyo upang maipanalo si Robredo laban kay Marcos.
Iginiit ni Coloma na Comelec ang may mandato na magpatupad ng automated election system at walang papel ang Malakanyang sa nasabing proseso.
Nauna rito, kinukuwestyon ni Santiago ang biglaang pag-arangkada ni Robredo sa unofficial count ng Comelec at PPCRV sa Vice-Presidential race gayung nangunguna si Marcos sa bilangan at sa pre-election surveys.
“This is an eventuality that will cause the peoples of the democratic world to shake their heads and question the values of the society it produced,” ayon kay Santiago.
- Latest