^

Bansa

American family ni Poe pangamba sa Konstitusyon

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magiging mapanganib umano sa Konstitusyon kung sakaling mahalal na presidente ng bansa si Sen. Grace Poe dahil pawang mga American citizen ang kanyang asawa at mga anak.

Matatandaan na marami ang napakamot sa pahayag ng asawa ni Poe na si Neil Llamanzares na ibabasura lang nito ang American citizenship ‘pag nanalo ang kanyang asawa.

Ito ang pangamba ni Atty. Bruce Rivera, batikang abogado at law professor ng San Beda College na isa sa kumukuwestiyon sa desisyon ng Supreme Court na nagpapahintulot kay Poe na kumandidatong pangulo sa halalan sa susunod na buwan.

“Hindi ko sinasabing magiging constitutional crisis ito pero, ang sinasabi ko, mapanganib ito sa Konstitusyon,” paglilinaw ni Rivera na nagdagdag na magkakaroon ng implikasyon ang pagkakaroon ni Poe ng pamilyang Amerkano sakaling manalo ito sa eleksyon.

“Isa itong usapin ng va­lue judgment kasi siyempre ikaw ang pangulo na kumakatawan sa mamamayang Pilipino. Sabi ko nga, hindi lang ang mga Pilipino sa ibang panig ng mundo ang iyong ikinakatawan kundi ang mga Pilipino sa Pilipinas,” paliwanag ni Rivera.

Ang implikasyon anya, merong mga tao rito na maaaring may ibang interes na hindi Pilipino ang karakter o maaaring hindi sa ikakabuti ng interes ng mga Pilipino.

Idiniin pa ni Rivera na “ang implications kapag pangulo ka ng bansa, ang mga patakaran mo ay napakahalaga at hindi dapat na maapektuhan at maimpluwesyahan ng ibang tao, partikular ang mga nakapaligid sa’yo.”

Hindi malayo para sa obserbasyon ng ilang tagamasid na dahil sa dayuhang pamilya ni Poe, ang pagbabalangkas o pagbabago ng Saligang Batas ay hindi malayo at hindi rin malayong isipin na magagawa ito dahil sa interes na nasa saloobin ng dayuhan na kasama niya sa palasyo partikular ng kanyang pamilya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with