^

Bansa

Poe winner sa debate - analysts, editors

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Para sa mga matatalinong “analysts” sa naganap na presidential debate, si Sen. Grace Poe ang nanguna at maituturing na “lumutang”  dito matapos na masagot at malinaw na maipaliwanag nito ang mga isyung ibinato sa kanya.

Ayon kay Prof. Prospero de Vera, UP President for Public Affairs, sa kabila ng pagiging babae at ina ay mahusay na naiprisinta at naipaliwanag  ni Poe ang kanyang mga plataporma sa mga ordinaryong mamamayan.

“Magaling na noong huling debate, magaling pa rin ngayon, syempre si Grace Poe. Kasi ginamit nya yung issue ng ina, yung babae. Dahil yung daing nung mga nagtatanong, ay panay daing tungkol sa buhay, tungkol sa anak, tungkol sa pamilya,” ani de Vera.

Sa ginanap na debate, pumili ng pito katao ang host nito upang  talakayin ang mga personal na karanasan hinggil sa trapik, kontraktuwalisasyon,  pangangalaga  sa  interes ng mga OFWs, isyu sa kalusugan, kahirapan, edukasyon at ang pinag-aawayang mga teritoryo ng Pilipinas.

Idinagdag pa ni De Vera na si Poe bilang ina sa tatlo niyang anak ay naipaliwanag  kung paano tatakbo ang kanyang “Gobyernong may Puso”. 

Ipinaliwanag din ni De Vera na bagama’t popular si Mayor Rodrigo Duterte, hindi naman nito nailatag ng malinaw ang kanyang mga plataporma de gobyerno bukod sa laging banta nito na susugpuin ang kriminalidad. 

Samantala, itinuturing naman ng mga editors ng online news na “Rappler” na si Poe  ang nanalo at nanguna sa unang round pa lang ng nasabing debate. Kinakitaan anila si Poe ng kahandaan sa pagsagot  at paglalatag ng mga espesipikong  polisiya  sa mga isyung kinakaharap ng bansa sa loob lamang ng maikling oras.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with