P22-M para sa uniporme ng BEI’s – Comelec
MANILA, Philippines - Nag-imbita na ng mga bidder ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa planong pagkakaroon ng uniform ng mga board of election inspectors (BEIs) na magsisilbi sa May 9 elections.
Ayon sa Comelec, mahigit 6,000 piraso ang kailangang uniporme para sa mga empleyado ng komisyon, habang nasa 300,000 naman para sa mga BEIs.
May aprubadong P20,814,525 o P75 bawat t-shirt sa mga BEIs habang P1,231,600 o P200 kada t-shirt para sa mga empleyado ng komisyon.
Ang pre-bid conference ay isasagawa sa Miyerkules, Marso 30 sa EBAD Conference Room sa Palacio del Gobernador Bldg. sa Intramuros, Manila.
Habang ang Submission of Bids ay bago o mismong sa April 13.
- Latest