^

Bansa

PNP: Ralyista sa Kidapawan, positibo sa gun powder residue

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lumabas na ang resulta ng pagsisiyasat ng PNP-SOCO sa mga nasawi at nasugatan sa pagsasalpukan ng mga pulis at ralyista sa Kidapawan noong Biyernes.

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, 2 ang nasawi at 10 ralyista ang nasugatan, ngunit malaki ang posibilidad na mas marami ang nasugatan ngunit hindi lamang inireport ito.

“One of the dead rallyist yielded positive results during the paraffin test. The SOCO team also recovered 2 empty shells of calibre .45 at the area previously occupied by the rallyists and a deformed slug of calibre .38 at a makeshift station previously occupied by our police,” sabi ni CSupt. Mayor sa isang pahayag. Palaisipan naman ngayon kung bakit may bitbit na baril ang isang sinasabing ordinaryong magsasaka sa Kidapawan. 9mm ang standard-issue na gamit na baril na kapulisan.

Sa panig naman ng PNP ay 99 na pulis ang nasugatan dahil sa pambabato ng mga ralyistang hinihinalang hindi tunay na magsasaka ngunit mga militante. Nahuli rin ang isang kumander ng New People’s Army na nakahalo sa mga magsasaka.

Ikinagalit naman ng lokal na pamahalaan ng North Cotabato ang pangyayari sa kanilang bayan, lalo na’t pinagsamantalahan ang mga kawawang magsasaka upang magamit sa plano ng mga makakaliwang grupo.

“There were consolidation of more than 4,000 individuals. Nakita ninyo and we saw, you saw, nakita ninyo ang partisipasyon sa nagkalain-laing grupo –AnakPawis, Bayan Muna, Anak Bayan, League of Filipino Students, SPMC, RCPR or Religious Church Promotion of Churches, Apo Sandawa Lumadnong Paghiusa, Gabriella Women’s Party, women, children, indigenous people, ang mga mag-uuma,” sabi ni Gobernador Emmylou Talino-Mendoza.

Nagsimula ang pagbarikada ng mga ralyista noong Marso 30, isang araw pagkatapos ng anibersaryo ng New People’s Army.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with