^

Bansa

Metro Manila, Luzon solid din kay Bangbong

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang nangunguna sa kanyang mga karibal na kandidato bilang bise presidente sa National Capital Region at sa natitirang bahagi ng Luzon, ayon sa pre-electoral national suvery ng Pulse Asia Research, Inc. noong March 15-20 na kinomisyon ng ABS-CBN.

Sa pangkalahatan sa buong bansa tabla si Marcos at Sen. Chiz Escudero na parehong pinili ng 25 porsyento ng mga respondents sa naturang survey.

Subalit sa NCR ma­linaw na umalagwa si Marcos na pinili bilang bise presidente ng 41 porsyento ng mga respondents or may 18% na kalamangan kay Escudero na may 23 percent.

Sa natitirang bahagi ng Luzon si Marcos din ang nanguna at pinili ng 32 porsyento.

Sa paningin ng mga social classes, si Marcos pa rin ang nangunguna sa Class ABC at nakakuha ng 35% at lamang ng 12 percentage points kay Escudero na may 23 percent.

Si Marcos din ang nanguna sa Class D at nakakuha ng 27 percentage points.

Ayon kay Marcos isang inspirasyon sa kanya ang resulta ng naturang survey para mas paigtingin pa ang kanyang kampanya sa mga natitirang araw ng campaign period.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with