^

Bansa

Recto sa $81-M laundering: Made in China

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na hindi sa Pilipinas nagmula ang mastermind sa the $81-milyon money laundering scheme.

"This has all the makings of a made-in-China problem. Ang problemang ito nagmula sa labas, hindi sa Pilipinas," pahayag ni Recto.

Aniya tila mayroong nangyaring “inside job” sa pag-hack sa account ng Bangladesh Central Bank kung saan nakalusot din ang wire transfer sa New York Federal Reserve.

"Pati yung mga US banks na unang pinagpasahan ng pera, nagbigay ng go signal. Bakit nalusutan ang verification process?" tanong ng senador.

Pinagtatakhan din ni Recto ang pananahimik ng China kaya sa tingin niya ay walang Pinoy na kabilang sa pagnanakaw.

"Kahit Chinese nationals ang involved, and I am not referring to Kim Wong, ni piyok sa Beijing wala tayong narinig. Lumapit lang ang isang bangka sa Panatag Shoal, nagtatatalak na sila."

Samantala, ibinigay na ni casino junket operator Kim Wong ang ipinangakong $4.63 milyon sa Anti-Money Laundering Council upang ibalik sa Bangladesh.

Pinabulaanan na rin ni Wong sa kaniyang pagharap sa Senate blue ribbon committee na wala siyang kinalaman sa nangyaring nakawan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with