Bongbong kay Cayetano: Kasalanan ko ba na mas gusto nila ako?
MANILA, Philippines – Nakahanap ng bala si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Sen. Alan Peter Cayetano sa kanilang paghaharap kahapon sa kaunaunahan at nag-iisang vice presidential debate ng Commission on Elections.
Matapos ang magkakasunod na tirada ni Cayetano tungkol sa nakaraan ng pamilyang Marcos ay nakabawi ang anak ng dating pangulo.
Sinabi ni Marcos na siya ang pinagkatiwalaan ni presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaysa sa running mate niyang si Cayetano.
"Sabi ni Mayor Rody Duterte kapag hindi nalutas ang krimen in 3-6 months ibibigay raw niya ang pagkapangulo sa'kin,” wika ni Marcos.
Dagdag ni Marcos na tila nakita ni Duterte ang kaniyang kakayahan na matiyak ang kapayaan at kaayusan.
Panoorin ang kanilang tapatan:
Bongbong hits back at CayetanoBongbong Marcos to Alan Peter Cayetano "Sabi ni Mayor Rody Duterte kapag hindi nalutas ang krimen in 3-6 months ibibigay raw niya ang pagkapangulo sa'kin... kasalanan ko ba na mas gusto nila sa akin kaysa sa'yo?" #BilangPilipinoFor more vice presidential debate updates: http://bilangpilipino.philstar.com/debate
Posted by philstar.com on Sunday, April 10, 2016
- Latest