^

Bansa

PNoy ‘di raw matutulad kay GMA

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasisiguro ni Pangulong Aquino na hindi niya sasapitin ang nangyari kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nakulong pagbaba sa puwesto.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa panayam ng Time magazine sa Palasyo, sinabi niya na nakatitiyak siyang walang patutunguhan ang mga kasong isasalubong sa kanya pagkatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30.

Ayon sa Pangulo, walang makukuhang masustansiyang ebidensiya ang kanyang mga kalaban at pangha-harass lamang ito dahil marami aniya siyang mga nasagasaan sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Pero inihahanda na ng Pangulo ang kanyang sarili sa mga nagbabalak na isasalubong na kaso laban sa kanya.

Kabilang sa mga nakaabang na kaso laban sa Pangulo ay may kina­laman sa paggamit ng pondo ng gobyerno para ibigay sa mga kaalyado sa pamamagitan ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Samantala, naunang sinabi ni incoming President Rodrigo Duterte na wala siyang balak ipakulong ang kanyang mga political enemies pero may ibang grupong handang kasuhan ang mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with