^

Bansa

Leni ang bagong Cory

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ano ang pagkakatulad nina dating pangulong President Cory Aquino at Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo?

Dahil sa mapayapang EDSA Revolution noong 1986, nag-apoy ang kanilang interes na pagsilbihan ang publiko at tinawag para manguna nang mamatay ang kani-kanilang mga asawa.

Habang si Aquino ay nailuklok sa Malacañang nang maalis sa kapangyarihan ang diktadurya, nagsimula naman ang pagsisilbi sa bansa ni Leni, na noo’y bagong Economics graduate mula sa University of the Philippines sa Diliman, sa kanyang bayan sa Naga City.

Si Cory ay biyuda na lumaban sa diktador na si Marcos noon. Ngayon, si Leni ay isa ring biyuda na babangga sa anak ni Marcos.

“They were both suddenly widowed. They were both previously seen as mere housewives, but were eventually called to lead,” wika ni Pangulong Aquino nang tanggapin ni Robredo ang hamon para maging vice presidential bet ng LP sa halalan sa Mayo.

“Like my mother, Leni had no ambitions to run. But her countrymen asked her to sacrifice to solidify our leadership in Camarines Sur. She was obliged to run, and, indeed, she served with principle,” wika ni Pangulong Aquino.

“Noong una, ayaw ko talaga pero naisip ko na higit na mahalaga ang kapakanan ng bayan kaysa sa aking sarili, kaya tinanggap ko ang posisyon,” wika ni Robredo.

Ngayon, tila nauulit ang kasaysayan. Si Leni, tulad ni Cory na may malinis na record, habang ang pamil­ya ng katunggali ay maraming isyu ng katiwalian at maluhong pamumuhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with