^

Probinsiya

15-anyos dalagita pinilahan, pinatay ng 4 adik

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines- – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 15-anyos na dalagita matapos itong pilahan ay pinagsasaksak pa ng apat na kalalakihang lango sa alak at bawal na droga sa Barangay Lambakin, bayan ng Marilao, Bulacan, ayon sa ulat kahapon.

Natagpuan sa madamong bahagi ang duguang katawan ni Analyn De Guzman-Salvador, out-of-school youth at nakatira sa nasabing barangay.

Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga  suspek habang isinasagawa ang follow-up operation ng pulisya.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Enrique Areja at PO3 Marcelo Galsim, huling namataang buhay ang biktimang kasama ang kanyang dalawang kaibigang babae kung saan nakikipag-inuman sa mga suspek noong Huwebes ng gabi (Feb.12)

Matapos ang inuman ay sumama ang biktima sa mga suspek kung saan iniwan ang dalawa nitong kaibigang babae.

Dakong alas-3 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng Bordador Compound sa nasabing barangay.

Naagnas na ang katawan ng biktima na walang suot na pang-ibaba at tadtad ng saksak sa katawan.

Positibo namang kinilala ng ina ang kanyang anak na may relos, jacket, tsinelas, tali sa buhok at ang kulay ng bra habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

ANALYN DE GUZMAN-SALVADOR

BARANGAY LAMBAKIN

BORDADOR COMPOUND

BULACAN

DAKONG

ENRIQUE AREJA

FEB

HUWEBES

MARCELO GALSIM

MARILAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with