^

Entertainment

‘At the End of the Day’

ME, STARZAN - Joey de Leon - Pilipino Star Ngayon

Para n’yo nang habag at inyo nang tantanan

Linyang “at the end of the day” — please, the end na ‘yan!

Ano na nangyari sa dating “in the long run…”?

‘Sang araw na lang? Iniklian ang takbuhan?

 

Ngek! Parang pag-texting na pala dating nito —

Shortcut na at minadali, diretso punto,

Kaya mas quickie pa sa “here na me, wer na u?”

Magiging “anderwer na me, wer na u?” ito!

Ngek! Tanong ko lang — Ano ba “end of the day” bro?

Six piyem? Twelve midnight? Kasama ba night dito?

At least may pot of gold at the end of the rainbow!

Well, baka sa end of the world masagot na n’yo!

 

Sa ordinaryong tao pag naitanong mo

Ang kanyang “end of the day” malamang ay ito —

Pag-uwi sa bahay pagkatapos trabaho

O paghiga’t pagtulog, pagsara ng kwarto.

 

Akalain n’yo bang papatulan ko pa ‘to?!

Bakit naman hindi’t nakukulili ako!

At least ‘yung prusisyon tuloy simbahan ito,

Eh ‘yung “day” ano ba ‘to? Sabado o Linggo?!

 

“At the end of the day…” is what? Day? Hmm… “Y”? Ngek! Why?

Why ‘yan pinag-aaksayahan n’yo ng laway?

Always at the end of the tongue! Nakakaumay!

Paggamit sa linyang ‘yan please maghinay-hinay!

 

Bakit ‘di na lang “in the end”? Bakit may “day” pa?

Para bang ‘sang araw lang tapos ang problema,

Sa nagpauso may araw ka ring Hudas ka!

At the end of the year maputukan ka sana!

 

At sa mga gumagamit ng linyang ito,

Wala akong magagawa kung ‘yan gusto n’yo,

Tulad lang kayo ng ibang ta-artits dito

Kapag sinasabi nila ang “SOBRANG THANK YOU!”

 

Nung unang panahon nung unang gamit nito,

Maayos pa sa pandinig sapagkat bago,

Ngunit nung gamit na ng lahat kahit sino,

Ngek na sa tenga, tila inabuso uso!

 

May nagtanong bakit ‘di week? Mahaba naman?

At kung “at the end of the month”… parang hulugan!

Sige na nga, “at the end of the day” na nga lang!

But promise, at the end of the day… TAMA NA ‘YAN!

 

By the way, bago mag-end of the month nga pala,

May oks na tsibugan na actually bukas na,

Before the end of your life dapat matikman s’ya,

Sa may Katipunan lang… ito ang… “HOY, PANGA!”

 

Yes! “Inihaw Na Panga Ug Belly Ng Tuna” —

‘Yan ang mga ipinagmamalaki nila,

Pero siopao nila kung ‘di natitikman pa,

Try their siopao na panga ng tuna — ang… SIONGA!

 

At the end of July naman at malapit na,

35 years old na ang Eat, Bulaga! pala!

Sa libo-libong tanghalian natin sana

Kayo’y napatawa’t napatigas ang panga!

 

TENKYU mula Batanes hanggang Indonesia!

At the end of the show lagi kami’y masaya

Kasi alam naming lagi kayong kasama

Pagkat kung hindi magmumukha kaming tanga!

 

Tumagal din sana nang 35 ‘yung iba

At gamitin din ng ibang lahi show nila

Nang maramdaman nila kaibang ligaya —

Yun bang mag-rest pwede na pero enjoy ka pa!

 

Kaya kung kayo na nga’y mag-tatlong dekada,

Kalimutan na rin ang masyadong magsaya

Pagkat hindi na rin magmumukhang record s’ya

Kasi kami that time ay four or five decades na!

 

SORRY.

vuukle comment

BAKIT

BRVBAR

DAY

END

LEFT

NGEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with