^

Bansa

Pinas tambakan ng basura ng Canada

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Ang Nurse partylist Rep. Leah Paquiz ang umano’y pagpasok sa bansa ng tone-toneladang basura mula sa Canada.

Sa House Resolution 1525 ni Paquiz, pinapapakilos nito ang House Committee on Eco­logy upang malaman kung bakit naging tambakan ng basura ng Canada ang Pilipinas.

Pinasisiyasat din ang umano’y illegal na importasyon ng 50 container vans na naglalaman ng halo-halong basura mula sa naturang bansa.

Mahigit isang taon na mula nang makapasok sa bansa ang tone-toneladang basura ay wala pa rin nangyayari kaya nais nitong manghimasok na ang Kamara.

Nababahala ito sa panganib na dulot ng mga basura mula sa Canada sa kalusugan ng mga Pinoy. Nagdulot na rin umano ng dagdag problema sa bansa ang 50 container vans ng basurang ito dahil bukod sa nakapagpasikip ito sa pantalan ay nagdulot pa sa lugi sa gobyerno na aabot sa P60 million dahil sa storage at demurrage ng mga ito.

 

ANG NURSE

HOUSE COMMITTEE

KAMARA

LEAH PAQUIZ

MAHIGIT

NABABAHALA

NAGDULOT

PAQUIZ

SA HOUSE RESOLUTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->