10 sa 18 rehiyon nakopo ni Leni
MANILA, Philippines – Nakuha ng nangungunang vice presidential candidate na si Leni Robredo ang 10 ?sa 18 rehiyon, batay na rin sa mga datos na bukas sa publiko, kaya imposible nang makahabol pa ang pinakamahigpit na katunggali.
Sa data mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), nakuha ni Robredo ang pinakamaraming boto sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, Negros Island, Calabarzon, Mimaropa, Zamboanga Peninsula, Western and Central Visayas, Northern Mindanao, Caraga at Bicol.
Nanalo naman ang mahigpit na katunggali ni Robredo na si Sen. Ferdinand Marcos Jr., sa National Capital Region, Cordillera Autonomous Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Eastern Visayas, Soccsksargen at Ilocos region.
Sapat na ang panalo ni Robredo sa 10 rehiyon para makuha ang kalamangan habang patapos na ang pagbibilang ng PPCRV at Commission on Elections (Comelec).
Batay sa Comelec server, nakakuha si Robredo ng 14,316,558 boto habang si Marcos ay may 13,960,842, kabilang na ang boto sa lokal, overseas absentee voting at local absentee voting.
Dahil lamang na ng 259,460, tiyak na ang panalo ni Robredo kahit mapunta pa kay Marcos ang nalalabing 77,626 boto.
Ginagamit ng Team Leni ang numero mula sa COMELEC at transparency servers bilang batayan.
- Latest