^

Bansa

Akyat-bahay utas sa shootout

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Bulagta ang isa sa tatlong miyembro ng Akyat-Bahay Gang makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bisinidad ng Barangay Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang ina­alam ang pagkakakilanlan ng isa sa tatlong napatay habang tugis naman ang dalawang nitong kasamahan.

Sa ulat ni P/Supt. Reniel Valones na isinumite sa Camp Alejo Santos, rumesponde ang mga pulis sa tinukoy na bahay na inakyat at pinagnakawan ng tatlo.

Gayunman, nama­taan ang tatlo na naglalakad kaya tinangkang sitahin ng pulisya subalit pumalag at nanlaban ang tatlo. Napatay naman ang isa habang nakatakas ang dalawa.

Nabatid na nilooban ng tatlo ang bahay ni Clarra Tamayaw sa nasabing barangay kung saan nalimas ang mala­king halaga.

Narekober naman sa crime scene ang isang sumpak, granada at ilang plastic sachet ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with