^

Bansa

Sa mga kandidato at supporters maging kalmado - PNP

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umapela si PNP chief Director General Ricardo Marquez sa lahat ng mga kandidato at sa kani-kanilang mga supporters na maging mahinahon, kalmado at respetuhin ang ipinapatupad na batas.

Bukod dito, tungkulin din anya ng kanilang hanay na protektahan ang karapatan ng mamamayan na gagawan nila ng masama.

Ito ang panawagan ni Marquez kasunod sa mga report na ilang mga supporters ng mga kandidato ay nagiging agresibo at marahas.

Tiniyak naman ni Marquez na hindi sila pagagamit sa anumang mga political agenda.

Aniya, ang PNP ay isang non-partisan at apolitical na organisasyon at hindi nila papayagan ang kanilang hanay na magamit ninuman sa politika.

Samantala, pinaalalahanan din ni Marquez ang publiko sa ipinapatupad na liquor ban ng Comelec na suportahan ito upang hindi na humantong pa sa pagkakaaresto at pagkakakulong.

Sinumang lalabag ay maaring makulong ng isang taon at hindi isasalang sa probation, at ang napatunayang nagkasala ay maaring maranasan ang diskwilipikasyon para hindi na payagang makapasok sa public office o mawawalan na rin ng karapatang makaboto.

Tiniyak din ng PNP chief sa publiko ang mapayapa at ligtas na halalang ngayon katuwang ang Armed Forces of the Philippines.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with