^

Bansa

Grace: Hustisya, ‘di dahas!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – ‘Matinong’ sistema ng hustisya at hindi karahasan ang “sagot” sa problema ng bansa sa krimen at iligal na droga.

Ito ang naging posisyon ni Sen. Grace Poe sa kanyang pagbisita sa Calamba City, Laguna kung saan niya inilahad ang kanyang programa upang labanan ang kriminalidad at iligal na droga.

“Hindi karahasan, kung hindi katarungan ang kailangan natin; katarungan na may pagkain ang bawat pamilya…katarungan na mapagkakatiwalaan ninyo ang mga namumuno, katarungan na ligtas ang mamamayan saan man kayo magpunta,” punto ng mambabatas.

Ang posisyon ni Poe ay taliwas sa posisyon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na mahigpit niya ngayong kalaban sa unang puwesto bilang susunod na pangulo ng bansa.

Hindi itinatago ni Du­terte na nakahanda itong gumamit ng karahasan upang labanan ang kriminalidad at iligal na droga.

Dagdag pa ni Poe, “sisiguraduhin” niya ang katahimikan sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagsibak sa mga tiwaling pulis at mga opisyal ng barangay na nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin.

Sa bukod namang pahayag, ipinaabot din ni Poe ang kanyang “sinserong pakikiramay” sa pamilya ng negosyanteng si Adora Lazatin ng Bacoor, Cavite na ang bangkay ay nakitang nakalagay sa loob ng isang ‘plastic drum’ sa Pasig River noong isang linggo.

Ani Poe, dagdag sa galit at pagkadismaya ng mamamayan ay ang katotohanan na tatlo sa limang suspect na na­dampot ng NBI ay mga aktibong miyembro ng PNP na nasa ilalim ng DILG at ang dalawa pa ay mula naman sa Bureau of Corrrections na nasa ilalim naman ng DOJ.

“Ang ganitong mga kalunos-lunos na krimen na ang mga nasa likod pa ay mga kagawad ng ating pulisya at mga nasa ahensiya na dapat ay nagpapatupad ng batas ay walang puwang sa ating lipunan. Dapat ipataw sa kanila ang pinakamabigat na parusa,” diin ni Poe.

“Ang DOJ at DILG ay tila naging kanlungan na lang ngayon hindi lang ng mga tiwali, bagkus, ng mga kriminal mismo, kaya ang paglilinis ng mga ito ang una nating aasikasuhin,” dagdag pa ng senadora.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with