^

Bansa

Dahilan ng blackout sa NAIA, wala pa ring linaw

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuliro pa rin ang mga opisyal ng Manila International Airport Autho­rity (MIAA) dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila masabi kung bakit nagkaroon ng 5 oras blackout noong Sabado ng gabi na tumagal hanggang Linggo ng madaling araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 kaya naman sangkatutak na mga pasahero ang nanggagalaiti sa galit sa pangyayari lalo na yaong mga nakasakay sa loob ng eroplano .

Ngayong araw ay muling mag-uusap ang MERALCO at MIAA management sa pali­paran para malamang ang dahilan ng brownout kaya naman nagkaroon nang kanselasyon ng 66 flights at delay ng 31 flights.

Muling hinimok ni Senatorial candidate Win Gatchalian ang pangulo ng sibakin sa puwesto sina DOTC Secretary Jun Abaya at MIAA general manager Bodet Honrado dahil sa kapabayaan nila sa tungkulin.

Ayon sa ilang airport observers, nagtuturuan umano ang MIAA at ang MERALCO tungkol sa 5 hour power outrage sa nasabing NAIA T3.

Balik normal ang kur­yente sa paliparan pero wala pang makapagsabi kung ano talaga ang naging dahilan ng blackout.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with