^

Bansa

CCT beneficiaries hinaharang ng DSWD

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon ang ABAKADA Party-List para sa isang agarang imbestigasyon sa mga ulat na may mga benepisyaryo ng conditional cash transfer (CCT) na pinipigilan ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagdalo sa mga aktibidad na walang kaugnayan sa kampanya ng Aquino Administration. May mga ulat din na lantarang nanga­ngampanya ang mga tauhan ng DSWD na nakatalaga sa CCT para kina presidential bet Mar Roxas at running mate nitong si Leni Robredo. Binigyang-diin ng ABAKADA na masyadong detalyado ang mga pagbubulgar na ginawa ni Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) chairperson Gloria Arellano sa mga ulat upang ito ay balewalain lamang. “Nananawagan kami kina Mr. Roxas at DSWD Sec. Dinky Soliman na personal at agad na imbestigahan ang mga ulat na ito. Agad din namang maghahain ng resolusyon ang Abakada para sa malawak ang imbestigasyon ng Kongreso sa lalong madaling panahon,” ayon sa Abakada.  Pinuna ng grupo na ayon sa mga ulat sa barangays San Isidro at San Jose sa Rodriguez, Rizal, at sa Barangay Bagong Pag-asa sa Quezon City, nagsagawa ng mga aktibidad ang mga taga-DSWD sa mismong araw ng taunang Kalbaryo ng Maralita.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with