^

Bansa

Jinggoy, Bong laya kay Grace?

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mababasura ang kasong plunder ni Senator Jinggoy Estrada at tuluyan itong makakalaya kapag si Sen. Grace Poe ang nahalal na presidente sa Mayo 2016. 

Ito umano ang pinangangambahang kapalit ng pag-endorso kay Poe ni Manila Mayor Erap Estrada na tumatakbong muli sa pagka-alkalde.

Ang pag-endorso sa kandidatura ni Poe ay idineklara ni Erap sa harap ng libu-libong supporter na dumalo sa proclamation rally nito sa Liwasang Bonifacio nuong Lunes.

Kasabay na inendorso ni Erap si Sen. Bongbong Marcos sa pagka-bise presidente.

Matatandaang humingi rin si Poe ng pag-endorso ng mga Revilla ng Cavite, isa sa mga probinsyang may pinakamalaking boto. 

Si Sen. Bong Revilla ay kasalukuyang nakakulong at sinangkot sa kasong plunder kaugnay sa P10 bilyong PDAF scandal ni Janet Lim Napoles. 

Naiulat na kapalit uma­no ng pag-endorso ng pa­milya Revilla sa kandidatura ni Poe at Chiz Escudero ay ang pagbasura sa kasong plunder at tuluyang paglaya ni Sen. Bong Revilla, kapag nanalo ang Grace-Chiz tandem.

Sa bakuran ng mga Estrada, magkasamang susuporta si Erap at Sen. JV Ejercito kay Poe, habang si dating senadora Dr. Loi Ejercito ay kay Binay, samantalang kay Mar Roxas naman ang ina ni JV at kasalukuyang reelectionist San Juan Mayor Guia Gomez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with