^

Bansa

DFA inaalam pa kung may Pinoy sa Japan quake

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaalam na ng Embahada ng Pilipinas kung may Pinoy na kabilang sa mga nasawi o nasugatan sa pagtama ng 7.3 magnitude na lindol sa katimugang bahagi ng Japan noong Sabado na kumitil sa buhay ng may 20 katao at ikinasugat ng mahigit 1,000 pa.

Sa nakarating na ulat sa Department of Foreign Affairs (DFA), may mga tao pang patuloy na inililigtas ng Japan rescue teams matapos na ma-trap sa mga gumuhong gusali. Sinasabing ito na ang ikalawang pinakamalakas na tumama sa Japan kasunod ng 9 magnitude quake noong May 11, 2011 sa pacific coast ng Tohuku na nagdulot ng matinding tsunami sa east coast ng Honshu na ikinasawi ng may 15,894 katao, pagkasugat ng  6,152 at pagkawala ng may 2,562 iba pa habang 228,863 ang nawalan ng tirahan base sa rekord ng Japanese National Police Agency.

Sa rekord ng DFA, sinabi ni Jose na may 220,000 Pinoy ang nasa Japan at may 1,600 Pinoy ang nasa prefecture at sa epicenter ng nasabing 7.3 lindol.

Ayon kay Phl Ambassador to Japan Manuel Lopez, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Embahada sa Japan authorities upang malaman kung may Pinoy na kabilang sa mga nasawi o nasugatan at naapektuhan ng lindol.

“In case our kababa­yans need clothing or food, then we will know how to respond to that,” ani Ambassador Lopez sa isang panayam.

Ipinadala na ni Lopez ang Phl Consul General sa Osaka sa Kumamoto kung saan tumama ang lindol upang magsagawa ng pagtaya at makita ang sitwasyon ng mga Pinoy na maaaring naapektuhan.

Habang sinusulat ito, walang pang natatanggap ang DFA na ulat mula sa Embahada na may Pinoy casualty sa lindol.

Bunsod sa patuloy na rescue efforts,  nagbabala si Japan Prime Minister Shinzo Abe sa mga rescuers na mag-ingat sa ginagawang kritikal na rescue operations matapos magpumilit na pasukin ang mga mahihinang gusali na nag-collapse at sa posibilidad na magkaroon pa ng mga aftershocks. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with