^

Bansa

Vote buying lalala sa voters receipt

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lalong lalala ang vote buying at vote selling sa darating na halalan kapag ipinatupad ang desisyon ng Korte Suprema na maglabas ng resibo sa pagboto ng mamamayan.

Ayon kay Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) chairperson Henrietta de Villa, magreresulta rin ito ng pagnenegosyo sa pagboto dahil may katunayan na ibinoto ang kandidato dahil sa resibo.

Ani de Villa, gagami­ting pagpapatunay ito ng mga botante sa kandidato na isa na namang uri ng  katiwalian.

Umaasa si de Villa na magkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ang Korte Suprema at ang Comelec para maayos na ang gulo sa halalan lalo na at wala ng panahon ang tanggapan dahil sa April 9, 2016, ipatutupad na ang absentee voting.

Nasa mahigit 18,000 ang elective positions at bawat botante ay magsusulat ng mula 25 hanggang 37 kandidato sa kanilang mga balota nga­yong halalan.

Una ng nanawagan ang mga obispo ng Simbahang Katolika sa mga botante na huwag ihalal ang mga kandidatong bumili ng boto dahil kapag naluklok ang mga ito sa posisyon, babawiin din nila ang kanilang nagastos sa pangangampanya mula sa bulsa ng taong bayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with