^

Bansa

Kuwaresma, gawing spiritually meaningful –CBCP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth ang mga kabataan na gawing mabunga at makabuluhan ang paggunita ng Mahal na Araw.

Ayon kay Father Kunegundo Garganta, Executive Secretary ng komisyon, mahalaga ito upang makatugon ang mga kabataan sa pa­nawagan at selebrasyon ng Simbahang Katolika sa taon ng awa at habag.

Umaasa ang pari na maging maunlad ang buhay pananampalataya sa Diyos ng mga kabataan ngayong panahon na ang Pilipinas ay nahaharap sa maraming problema at mahirap na usapin.

Sinabi ng pari na sa pamamagitan ng pagpapalago ng mga kabataan sa buhay pananampalataya ay magkakaroon sila ng tunay na kakayahang harapin ang mga isyu at usapin ng ating bansa tulad ng nalalapit na halalan sa Mayo 9, 2016.

Hinikayat ni Father Garganta ang mga kabataan na maging aktibo sa kanilang mga parokya, sa pagsasagawa ng mga visita iglesia at paglahok sa mga programa ng tulad ng mga recollections at retreats.

Inihayag ni Father Garganta ang kahalagahan ng tunay na paghubog sa mga kabataan na kumakatawan sa 52.7-percent ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.

Ipinaalala naman ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos sa mga mananampalataya na hindi sapat ang pana­nalangin para sa mga nangangailangan dahil ang dasal ay sinasamahan ng paggawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with