^

Bansa

Tatad naghain ng mosyon sa SC sa kaso ni Poe

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng kampo ni dating senador Francisco Tatad sa Korte Suprema na ikonsidera nito ang mga posisyon ng samahan ng mga abogado at mga eksperto sa batas sa pagdedesisyon sa apela sa kaso ni Sen. Grace Poe.

Sa inihaing mosyon ni Tatad sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Manuelito Luna, hiniling nito na magkaroon ng judicial notice sa posisyon ng Integrated Bar of the Philippines at opinyon ng mga dean ng mga law school sa kaso ng kandidatura ni Poe sa pagkapangulo.

Ginawang batayan ng kampo ni Tatad ang Section 2, Rule 129 ng Revised Rules of Evidence.

Naglahad din si Tatad ng mga balita o artikulo na galing sa mga internet website kaugnay ng posisyon ng IBP, mga law school dean at mga kolumnista.

Umaasa si Tatad na magiging bukas sa kanilang kahilingan ang Korte Suprema lalu pa’t dati na rin nitong ikinonsidera sa pagdedesisyon sa isang kaso ang mga lumabas na impormasyon sa media.

Partikular na tinukoy ni Tatad ang naging desisyon ng SC sa kaso ng Disbursement Acceleration Program o DAP kung saan kinonsidera ng hukuman ang mga newspaper clippings at mga balita sa internet para patunayan ang grave abuse of discretion sa mga may pakana ng DAP fund.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with