^

Bansa

UNA: Duterte, sabit sa technical malversation?

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinukwestiyon ng United Nationalist Alliance (UNA) ang plataporma ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte laban sa krimen at korapsyon matapos lumabas sa huling annual audit report ng Commission on Audit (COA) ang umano’y ilang iregularidad sa paggamit ng Special Education Fund (SEF) ng Davao na umaabot sa P45.8 milyon.

Kinuwestyon ni Mon Ilagan, tagapagsalita ng UNA, kung bakit nangyari ito kung talagang galit si Mayor Duterte sa krimen at korapsyon.

Nakita ng COA na may mga gastusin na kinuha sa SEF na nagkakahalaga ng higit sa P45,819,774.85 na ginamit na hindi ayon sa Republic Act No. 5447 o ang batas na nagtatakda ng SEF.

Sinabi rin ng COA na ikinalugi ng mga pampublikong mag-aaral na maari sanang nakinabang sa mga proyekto sa ilalim ng SEF ang hindi wastong paggamit ng pondo.

Sa ilalim ng RA 5447, ang SEF ay maari lamang gamiting para sa: extension ng mga mag-aaral na papasok ng Grade 1, pagpapaayos ng pasilidad sa mga paaralang pang-elementarya, at paglilimbag o pagbili ng mga textbook.

Dapat gamitin din ang SEF sa pagpapasuweldo sa mga public school teacher, pagbili o pagpapaayos ng mga kagamitan sa laboratory, educational research, scholarship grants, at pagpapalaganap ng physical education.

Subalit ayon sa audit ng COA, ginamit umano ang SEF para sa mga hindi awtorisadong gastusin kasama na ang pamasahe sa eroplano ng mga estudyante at guro, gasolina para sa ilang sasakyan, insurance premiums ng mga sasakyan, at accident insurance ng mga estudyante at guro.

Nalaman din ng COA na ginamit daw ang SEF para pambili ng grocery items, mga medical supply, at pagbayad sa singil sa kuryente, tubig at telepono.

Ang mga gastusing ito ay dapat siningil sa Department of Education at hindi sa SEF, ayon pa sa COA.

Sinabi ni Ilagan na kahit na sinasabi pa ni Mayor Duterte na wala siyang ibinulsa, maituturing pa rin na technical malversation ang nangyari.

Dagdag pa niya na para sa isang kandidatong nangangakong susugpuin ang krimen sa bansa sa loob ng anim na buwan, lumalabas sa COA report na hindi kayang siguruhin ng alkalde ang tamang paggamit ng pondo sa kanyang lungsod.

Ayon sa Article 220 ng Revised Penal Code, o ang illegal na paggamit ng pampublikong pondo o pag-aari, ang sinumang opisyal ng gobyerno na gagamit ng pampublikong pondo o pag-aari sa anumang paraan na hindi ayon sa itinakda ng batas ay maaring makulong ng anim na buwan at magmulta ng kalahati hanggang buong halaga ng pondong hindi ginamit ng wasto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with