^

Bansa

600 local execs iniimbestigahan ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng tanggapan ng Ombudsman ang may 600 local government executives sa 13 administrative regions dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) na may kinalaman sa illegal dumpsites.

Sa 50 complaint affidavit ni Romeo Hidalgo ng Ecowaste Coalition, ang mga Mayors, Vice-mayors at Sanggunian members ay may mandato para maipatupad ang mga batas at patakaran sa pa­ngangalaga sa kapaligiran at may kontrol sa pondo ng lokalidad pero sa kabila nito, ang naturang mga opisyales anya ay nagkutsabahan para labagin ang naturang batas.

“Thy conspired in committing the violations of R.A. No. 9003 within their jurisdiction.” ani Hidalgo.

Sa ilalim ng R.A. No. 9003 walang sinuman ang pinapayagan na maglagay at mag-operate ng isang open dump sites partikular ang mga LGUs at ang isang open dumps ay dapat na ma-convert bilang isang controlled dumps.

Noong  2013, ang Environmental Ombudsman program sa pamamagitan ng Environmental Management Bureau (EMB) ng DENR ay naglunsad ng tatlong taong nationwide campaign para mapalawak ang kaalaman ng mga tao sa ipinatutupad na RA 9003 gayundin ay mai-promote ang pagpapatupad sa batas na ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with