^

Bansa

No kill plot vs Poe - AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang namomonitor na kill plot ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban kay presidential candidate Grace Poe.

Inihayag ito ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla kaugnay sa kumakalat na balita na may pagtatangka umano sa buhay ni Poe na na­ngunguna sa survey sa hanay ng mga presidentiables.

“Base po sa amin dito sa aming tanggapan, wala po kaming natatanggap na ganyang report, being deputized agencies of Comelec, we continue to work with the police who are our lead for the security of the elections,” pahayag ni Padilla.

Ayon sa balita, may mga grupo umanong nais itumba o isabota­he sa pamamagitan ng karahasan ang pangangampan­ya ni Poe dahil isa itong malakas na kandidato.

Kasabay nito, tiniyak ng opisyal na ginagawa nila ang lahat katuwang ang PNP upang matiyak na magiging mapayapa ang campaign period, maidaos ang halalan at mailuklok sa puwesto ang mga kandidato.

Samantala, ‘gene­rally peaceful’ ang kick off campaign ng mga presidentiables sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, malaking tulong ang koo­perasyon ng mga kampo ng mga kandidato sa national level upang mai­sagawa at mailatag ang kaukulang security measures.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with