^

Bansa

Botohan sa mall idadaan sa resolusyon - Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pa rin isinasan­tabi ng Commission on Elections (Comelec)  ang paggamit sa mga mall bilang polling precinct sa halalan sa Mayo.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, ang botohan sa mga mall ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng Co­melec resolution at hindi maaaring gawin ng basta-basta.

Mas malaki aniya ang ikagagaan ng sitwasyon kung gagamiting polling place ang mga mall.

Aniya, made-decongest ang mga public schools at mas magiging convenient para sa mga botante.

Paliwanag ni Bautista, kailangan nang mag-isip ng iba’t ibang paraan at gumamit ng modern day conveniences para mapabuti ang pagboto.

Bukod pa rito aniya ang pagpayag ng mga mall owners na sa mga mall ida­os ang pagboto. Wala rin naman uma­nong china-charge ang mga mall. “They have been very supportive,” ani Bautista.

Nabatid na nagsasagawa sila ng hearing sa ibang mga lugar para malaman kung sino ang mga botanteng gustong mailipat.

Lumilitaw rin umano sa SWS survey na 60  porsiyento ng 1,200 res­pondents, ang pabor na isagawa sa mall ang botohan habang 10% naman ang nais na subukan ang bagong sistema.

Matatandaang ginamit ang mga mall para sa pagpaparehistro ng mga botante at marami naman ang natuwa.

Ang layunin ni­lang  maglipat ng mga lugar na puwedeng mahiram ay para sa kapakanan ng mga botante. Ani Bautista, bukod sa gawing credible ang elections, pakay din ng Comelec na mapabuti at mapaginhawa ang  mga botante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with