TALINO isusulong ni Roxas
MANILA, Philippines – Pagsusulong ng TALINO (Turismo, Agrikultura, Livelihood, Investment– Nurture Youth & People at Order & Safety) ang nais ni Romeo Roxas na kandidato sa pagka-bise gobernador ng Oriental Mindoro.
Ayon kay Roxas, alam niya ang hirap na kanyang dinanas kaya’t nais niyang tulungan ang mga taga Oriental Mindoro na umangat sa buhay at makamit ang kanilang mga pangarap.
Naniniwala si Roxas na sa larangan ng turismo, kailangan lamang na palakasin, pasikatin at ayusin ang lungsod na magbibigay ng maraming trabaho sa agrikultura at pandaigdigang destinasyon.
Si Roxas ang nagtatag ng Puerto Galera Business and Tourism Enterprise Association na layuning palakasin ang Tourism at Agriculture, lumikha ng napakaraming trabaho, pangalagaan ang kalikasan at gumawang kabuhayan sa bawat barangay ng Oriental Mindoro.
Ito ang mga dahilan kung bakit siya hinikayat na tumakbong bise gobernador ng Oriental Mindoro ng mga nakakakilala sa kanya at nagmamahal sa probinsya.
Sa kasalukuyan ipinaglalaban nya ang sobra-sobra o patung-patung na buwis, kawalan o kakulangan ng serbisyo sa Puerto Galera.
- Latest