^

Bansa

Grace-Chiz inendorso ng utol ni FVR

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

ASINGAN, Panga­sinan, Philippines – Inendorso kahapon ni dating Senadora Leticia Ramos Shahani, kapatid ni dating Pangulong Fidel Ramos ang kandidatura nina Sens. Grace Poe at Chiz Escudero sa isinagawang rally sa bayang ito.

Ayon kay Shahani, hindi na niya kailangan pang ikonsulta sa kanyang kapatid ang pagsuporta sa kandidatura nina Poe at Escudero dahil kapwa naman sila independent ng dating Pangulo.

Ipinaliwanag pa ni Shahani na sa demokrasyang bansa ay karapatan ng bawat isa na piliin ang kanilang kandidato.

Iginiit pa ni Shahani na naniniwala siya sa kakayahan nina Poe at Escudero at naniniwala siyang makakatulong ang dalawa sa pangangailangan ng kanilang mga kababayan sa Pangasinan.

Bukod aniya sa plataporma ni Poe, sinusuportahan ito ni Shahani dahil naniniwala siyang maiia­ngat ng senadora ang pagkilala sa mga kababaihan o tinatawag na “women power”.

 Pinasinungalingan ni Shahani ang sinasabing solid vote ng mga Ilocano para kay Sen. Bongbong Marcos na tumatakbong bise presidente ng bansa.

Inihalimbawa ni Shahani ang pagsuporta niya kay Escudero na katunggali ni Marcos.

Ipinaalala pa ni Sha­hani na bukod sa pagiging Ilocana, second cousin pa nito ang pamilya Marcos pero ang suporta niya ay ibinibigay niya kina Poe at Escudero na patunay aniyang walang “solid North”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with