^

Bansa

PWDs exempted na sa VAT

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pirmado na ang panukalang ilibre sa 12-percent VAT ang mga may kapansanan o persons with disabilities (PWDs).

Sa ilalim ng RA 10754 na pinirmahan ni Pangulong Aquino, ang 12-percent VAT exemption ay bukod pa sa 20% discount na nakukuha ng PWDs na nasasaad naman sa Magna Carta for Disabled Persons.

Sa naturang batas, naglaan ng P25,000 na taunang income tax deduction sa kaanak ng isang PWD na kasama nito sa bahay at siyang nangangalaga rito. Gayunman, kailangang ang kanilang relasyon bilang magkamag-anak ay hindi lalayo sa ikaapat na antas (4th degree). 

Dahil sa naturang batas, saklaw hanggang sa bi­yenan ang makakabenepisyo dito dahil aabot sa fourth degree of consanguinity or affinity ang sakop ng batas.

Itinatadhana pa rin ng RA 10754 na ang lahat ng PWDs ay exempted sa VAT ng lahat ng uri ng transportasyon; medical at dental services, kasama ang diagnostic at laboratory fees; professional fee ng mga doktor sa lahat ng pampublikong at pampribadong pagamutan; gamot; mga bayarin sa punerarya at paglilibing; hotel, restaurant at iba pang leisure places.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with