^

Bansa

Sa lahat ng kandidato magpa drug test tayo! - Bongbong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinamon ni Vice Presidential candidate  at Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang lahat ng kandidato na sumailalim sa drug test kasabay ng pahayag na matagal na siyang bukas dito upang ipakita ang kanyang seryosong kampanya. 

Ayon kay Marcos ang kanyang  hamon ay bunsod ng  panawagan ng iba’t ibang grupo ng kabataan na bo­luntaryong sumailalim sa drug test ang mga kumakandidatong presidente at bise presidente sa darating na eleksyon upang ipakita ang kanilang sinseridad sa kampanya laban sa ilegal na droga. 

 Noong Huwebes, nanawagan ang mga grupong National Youth Coordinating Council on Drug Abuse Prevention (NYCCDAP) at National Youth Affairs on Drug Abuse Prevention and Education (NYADAPE) ng drug test sa presidential at vice presidential candidates.

“Ang susunod nating mga lider ay dapat ipakita na talagang sila ay dapat paniwalaan sa kanilang mga suhestiyon ukol sa ilegal na droga at ito ang tanging paraan upang magbigay ng ehemplo sa lahat,” ani NYADAPE President Leo Archie Andes III.

 Ayon sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency, mahigit sa 8,600 barangays sa bansa ang apektado ng ilegal na droga. Ang Metro Manila ang may pinakamataas na bilang ng drug-affected barangays sa 92 porsiyentong apektado na sinundan ng Southern Tagalog na 33 porsiyento ng barangay apektado.

 Dinagdag ni Marcos na kung mahahalal siyang bise presidente ay isusulong nya na maibalik ang death penalty para lamang sa mga big time drug pushers at drug lords.

 Aniya, seryosong problema  ang iligal na droga dahil sa corruption at mahinang law enforcement at kailangan maalis  sa sistema ang mga sangkot dito lalo na sa nagpapatupad ng batas. 

 Ngunit ang pinaka-importante aniya ay ang pagpapalakas ng suporta ng pamilya at komunidad dahil ito ay mahalaga sa pagsugpo sa ilegal na droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with