^

Bansa

Roxas nanguna sa post-debate polls

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilampaso ni Daang Matuwid presidentiable Mar Roxas sa lahat ng post-debate opi­nion survey ang mga katunggali sa pagkapangulo matapos ang paghaharap ng lahat ng kandidato sa isang televised debate sa Capitol University sa Cagayan de Oro City. 

Sa online survey, abante si Roxas na nasa primera puesto na may 138,172 votes o 51.68% ng mga bumoto online, malaki ang agwat sa numero ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may 110, 157 boto o 41.2 percent.

Pangatlo si Senadora Grace Poe na may 3.23% (8,629 boto), pang-apat si Senadora Miriam Defensor-Santiago 2.9% (7,760 votes) at kulelat si Vice-President Jejomar Binay na may 0.99% (2,636 votes).

Samantala, ayon sa Movement for Good Governance, isang grupong nagsusulong ng malinaw na batayan para sukatin ang kakayahan ng isang administrasyon at kandidato, si Roxas din ang nagwagi sa unang edisyon ng Pilipinas Debates 2016 na itinataguyod ng Commission on Election.

Sa general rating ng mga nagsipag-debateng mga kandidato, binigyan nila si Roxas ng 13 puntos, sinundan ni Poe na may 10 puntos, Santiago 8 puntos, Duterte 6 puntos at Binay 4 puntos.

Samantala, ang online poll ng PollDaddy.com, tinanong ang mga nanood kung kaninong mga sagot sa bawat tanong sa debate ang nagkaroon ng kahulugan sa kanila, 45% ang nagsabi na makatotohanan at kahanga-hanga ang mga sagot ni Roxas, 43% naman ang naniniwalang si Duterte ang mas impressive ang sagot, 6% ang kumatig kay Santiago, 5% kay Poe at 2% lamang kay Binay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with