^

Bansa

15 mahihirap na probinsiya, tututukan ng Binay government

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nangako kahapon si Vice President Jejomar Binay na mas pagtutuunan nito ng pansin ang may 15 lalawigan na idineklarang mahihirap upang makagawa siya ng mas maraming trabaho at matugunan ang lumala­ganap na pagdarahop lalo na sa mga rural areas.

Ayon kay Binay, tututukan nito ang pagpapalago ng agricultural sector upang magkaroon ng maraming trabaho para sa mga walang hanapbuhay na mamamayan at mabawasan ang matin­ding kahirapan.

Sinabi rin ni Binay na pagtutuunan din nito na maparami ang trabaho sa 15 probinsya na may pinakamalaking bilang ng mga mahihirap na pami­lya lalo na ang mga may “poverty incidence” na mas mataas sa 50 porsyento tulad sa Lanao del Sur (67.3 %),  Eastern Samar (55.4%), Apayao (54.7 %) at Maguindanao (54.5 %).

Ang nasabing figure o bilang ay mula sa 2102 Poverty Estimates ng National Anti-Poverty Commission.

Iginiit ni Binay ang kahalagahan ng agrikultura kasunod ng lumabas na report ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang sektor ng agrikultura ay tumaas ng 1.6 por­syento mula 2011 hanggang 2015.

“Economic growth is meaningless unless it provides jobs for our people, especially in the rural areas,” ani Binay sa kanyang statement.

Nabatid na ang pag-angat ng agriculture sector sa Aquino administration ay kulelat dahil ikalawa ito sa pinakahu­ling ranking ng mga nagdaang limang presidente ng bansa.

Binigyang-diin ni Binay ang kanyang karanasan sa Makati kung saan nabawasan ang nararanasang kahirapan dahil din sa aniya’y may karanasan at magaling na manager at administrator na naiintidihan ang buhay ng mga mahihirap.

“My experience with Makati has strengthened my conviction that poverty can be reduced, and real inclusive growth is attainable under a capable and experienced manager and administrator who understands the poor and can craft the right social and economic policies and can implement these policies,” dagdag pa ng bise presidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

APAYAO

AQUINO

BINAY

EASTERN SAMAR

MAKATI

NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY

POVERTY ESTIMATES

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with