^

Bansa

Grace dapat mag-inhibit sa Mamasapano probe - Leni

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dapat mag-inhibit si Sen. Grace Poe sa muling imbestigasyon ng Mamasapano incident.

Ito ang paniwala ni Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo, na sinabing mahahaluan ng pulitika ang imbestigasyon kung hindi mag-iinhibit si Poe.

“Sana [mag-inhibit] para hindi nagagamit ang politika sa trabaho,” wika ni Robredo sa isang news forum sa Quezon City nang tanungin ukol sa reinvestigation na nakatakda sa Jan. 25.

Ayon kay Robredo, ngayong papalapit na ang kampanya, sinabi niyang mag-ingat ang mga pulitiko sa anumang kilos na baka akalaing pamumulitika lang.

“Palaging magiging suspicious ang aming ginagawa dahil ba sa gusto lang namin mapalawig ang popularity. Sana umiwas na ang trabaho ay magagamit sa pulitika,” giit ni Robredo.

Bago rito, tinutulan ni Robredo ang muling pagbubukas ng  Mamasapano probe, sa pagsasabing lahat ng pagsisikap upang mailabas ang katotohanan ukol sa masaker ng 44 Special Action Force (SAF) personnel ay ginawa na sa mga nakalipas na pagdinig.

Nalungkot din si Robredo dahil hanggang ngayon, wala pang napapanagot sa nasabing insidente.

vuukle comment

ANG

AYON

DAPAT

GRACE POE

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

MAMASAPANO

QUEZON CITY

ROBREDO

SANA

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with