^

Bansa

Yes, kay Leni ako - Kris

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inendorso kahapon ng TV host at presidential sister na si Kris Aquino si Liberal Party vice presidential bet Leni Robredo.

Ito’y matapos i-endorso rin ng isa pang presidential sister na si  Ballsy Aquino-Cruz si Robredo sa pagkandidato nito sa pangalawang panguluhan.  

Sa isang panayam, kinumpirma ni actress/host Kris Aquino na manok niya si Robredo, vice presidential bet ng Liberal Party, sa eleksiyon sa Mayo.

“I’ve only endorsed one candidate and I think I’m sticking to that. I said I’m for Leni Robredo for Vice President,” wika ni Aquino.

Bago rito, nagpahayag ng suporta si Kris, ang tinaguriang Queen of All Media, kay Leni bilang susunod na pangalawang pangulo ng bansa sa kanyang Instagram page.

Sa kanyang Instagram, inilagay ni Kris ang kanyang larawan kasama si Robredo at mga anak na sina Joshua at Bimby.

Nilagyan pa ito ni Kris ng caption na “matapang… simple… mapagkakatiwalaan… tapat”.

Isang television show host at isa sa nangungunang pro­ducts endorsers sa bansa, si Kris ay mayroong 2.4 million Instagram followers.

Noong Huwebes, inindorso rin ni Ballsy si Robredo bilang vice presidential candidate nang sumama siya sa misa sa headquarters ng huli sa Quezon City na isinabay sa 30th anniversary ng EDSA People Power 1.

“Napaka-sincere niya at napakalinis kasi nakikita mo na ang gusto niya lang ay maka­tulong. Sinabi nga niya ang problema ay hindi siya kilala pero para sa akin marinig mo lang ang story niya, talagang mapapabilib ang tao sa kanya,” wika ni Ballsy.  

Maliban kina Ballsy at Kris, ilang beses na ring sumama sa mga event ni Robredo ang iba pang presidential sisters na sina Viel at Pinky.

Pinasalamatan naman ni Robredo ang Aquino sisters sa kanilang tulong sa kampanya. 

“Kilala po natin sila, hindi sila nag-e-endorso ng kahit sino na hindi nila pinapaniwalaan. Actually, hindi lang po si Ballsy, pati po iyong mga kapatid niya, si Viel, Pinky pati si Kris. Lahat na din po, nagpahayag ng endorsement,” wika ni Robredo.

“Napakalaking bagay kasi alam po natin na sila talaga ang pinakaginagalang natin sa ating lipunan,” dagdag pa niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with