^

Bansa

Honrado kinasuhan sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong graft at administratibo sa tanggapan ng Ombudsman si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado at iba pang opisyal nito dahilan sa umano’y maanomalyang ground handling ng NAIA terminal 1 at 3.

Sa walong pahinang complaint affidavid ni Atty. Ramil Joselito Tamayo, founder ng Koalisyon Kontra Katiwalian (KKK) nais nitong busisiin ng Ombudsman ang umano’y paglabag sa ginawang pag-award ng kontrata para sa ground handling sa NAIA terminal 1 at 3 sa kumpanyang DNATA na batay sa anya sa dokumento mula sa Security and Exchange Commission  (SEC), ang DNATA Inc. ay 100 percent na pagmamay-ari ng United Arab Emirates.

Alinsunod sa batas, ang mga dayuhan ay hindi pinapayagan na magmay-ari ng 100 percent ng anumang kumpanya sa Pilipinas.

Ang DNATA ay pinamumunuan ng pangulo nito na si Garry Chapman at ang kumpanya ay nanga­ngasiwa sa ground handling serviaces sa NAIA 1 at 3 simula noong 1998 hanggang sa panahon ni Honrado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with