^

Bansa

Walang Pinoy sa Turkey bombing

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang Pinoy na napabilang sa may 28 patay at 61 sugatan sa panibagong insidente ng suicide attack sa isang military convoy sa Ankara, Turkey kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat na natanggap ng DFA mula sa Embahada ng Pilipinas sa Ankara, walang Pinoy casualty sa pambobomba na umano’y kagagawan ng isang Syrian national na iniuugnay sa Syrian Kurdish militia o Kurdistan Workers’ Party.

Base sa report dakong alas 6:30 ng gabi (oras sa Turkey) nang pinasabog ang isang sasakyan sa labas ng isang military residence sa Ankara noong Miyerkules. Target ng pagsabog ang umano’y shuttle lulan ang mga military personnel sa Kisilay district na kalapit ng mga gusali ng gobyerno ng Turkey kabilang na ang mga army, air force, navy at coast guard commands.

Pinapayuhan ng Embahada ang may 200 Pinoy na nasa Ankara na umiwas muna sa mga pampubliko at matataong lugar, mga mall at maging mapagmatyag sa kanilang paligid dahil nananatili ang banta ng terorismo sa lugar.

May 9 katao ang inaresto at pinipigil ng Turkish authorities dahil sa nasabing car bomb attack.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with