Filtered By: Showbiz
Showbiz

Wally Bayola, balik-trabaho na matapos ang kinasangkutang 'sex scandal'




Balik-entablado na ang komedyanteng si Wally Bayola pagkatapos ng apat na buwang pag-iwas nito sa publiko.

Noong Martes, January 21, sumalang muli sa kinagisnang trabaho ang komedyante—bilang stand-up comedian—sa Zirkoh Comedy Bar sa Tomas Morato, Quezon City.

Ito ay ayon sa post ng may-ari ng bar na si Lito Alejandria (@mamalits) sa photo-sharing website na Instagram.

Kasunod na post ni Lito ay ang larawan nila ni Wally, kasama ang dating alaga nitong si Ya Chang.

May caption itong: “namiss ko si Wally B.... Yehey..he's back on track... Meeting w/ my ex-alaga Yachang .... Raket in Japan...”

Kaugnay nito, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag si Lito kung talaga bang balik-trabaho na si Wally, at kung bababalik na rin ba ito sa Eat Bulaga!

Basahin: Vic Sotto says Wally Bayola should apologize over sex video scandal before making comeback

Sagot nito throught text messaging (published as is): “Di ko alam sa Bulaga pero sa Zirkoh back on primetime na namin sya every tuesday.”

Kasunod naming hiningan ng pahayag ang manager ni Wally na si Malou Choa-Fagar, kung magbabalik na nga ba ang komedyante sa longest-running noontime show.

Maiksing sagot nito sa aming text: “Wala akong statement.” (Basahin: Mga kaibigan ni Wally Bayola, tahimik sa kumalat sa umano'y 'private video' ng komedyante)

Matatandaang nasangkot sa kontrobersiya si Wally noong September 2013 nang naging viral ang sex video nila ng isang dating miyembro ng EB Babes, ang all-female dance group.
Simula noon, hindi na napanood sa Eat Bulaga! si Wally. -- Arniel C. Serato, PEP
Tags: wallybayola