^

Bansa

P23-M blood money ibigay sa pamilya Zapanta

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umapela kahapon sa pamahalaan ang isang overseas Filipino advocate na ibigay na lamang sa naiwang pamilya ng binitay na OFW na si Joselito Zapanta ang P23 milyong blood money na kanilang nalikom.

Ayon kay Susan Ople, pinuno ng Blas F. Ople Policy Center na tumutulong sa pamilya Zapanta, ibigay o bahagian man lamang ng parte ng blood money na hindi nagamit ang nauli­lang ina na may sakit at dalawang maliit na anak ni Zapanta.

Si Zapanta ay sinentensyahan ng kamata­yan sa pamamagitan ng pagpugot sa kanyang ulo sa Riyadh, Saudi Arabia noong Martes ng hapon matapos ang makailang-ulit na ibi­nigay na reprieve o pagpapalawig ng sentensya.

Sinabi ni Ople na naiwan ni Joselito ang kanyang mga anak na isang 13-anyos at 11 anyos habang ang kanyang ina na si Ramona ay nangangailangan ng atensyong medikal.

“I appeal to our go­vernment to provide much needed assistance to the family especially now that Joselito is gone,” ani Ople.

Nakalikom ng P23 milyon ang gobyerno at pamilya Zapanta para sa blood money ni Joselito na naka-deposito sa account ng Embahada ng Pilipinas sa Saudi para sana sa pamilya ng napatay ni Joselito na Sudanese national.

“Since that amount had been rejected by the Sudanese widow thus leading to Joselito’s exe­cution, would the go­vernment be amenable to donating some amount to the grieving Filipino family? That is a policy decision that needs to be clarified,” diin nito.

Matapos ang ginawang pagbitay kay Zapanta, isang prayer vigil ang isasagawa sa bahay ng kanyang pa­milya sa Brgy Cabetican Puro IV, San Vicente, Pampanga.

Kasabay nito, hiniling ni Ople sa pamahalaan na muling silipin at pag-aralan ang ipinatutupad na polisiya sa pagbibigay ng blood money dahil maraming Pinoy na nasa death row ang nangangailangan na ng blood money.

Nabatid kay Ople na umaabot na sa 90 Pinoy ang nasa death row at nag-aantay na mabitay habang ang iba ay may katapat na blood money ang kanilang kaligtasan o posibleng kalayaan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BLAS F

BRGY CABETICAN PURO

JOSELITO

JOSELITO ZAPANTA

OPLE

OPLE POLICY CENTER

PINOY

SAN VICENTE

ZAPANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with