Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maine Mendoza transforms in new commercial


Inilabas na nitong Miyerkules ang pinakabagong commercial ng Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.
 
Sa TVC ng isang shampoo brand, makikita ang transformation ng dalaga mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa pagiging phenomenal star na nakilala ng lahat ngayon.
 
Tatlong oras lamang mula nang i-post ang video sa Facebook, umani na ito ng halos 90,000 views,  higit sa 8,000 likes, at 3,500 shares.
 
Rejoice - Ready For Destiny

Watch her smooth transformation as she steps out beautiful in our newest video! #ReadyForDestiny

Posted by Rejoice Philippines on Tuesday, December 1, 2015
 
Bukod sa araw-araw niyang pagpapakilig sa Kalyeserye ng “Eat Bulaga” kasama ang Pambansang Bae na si Alden Richards, at sa mga sunud-sunod niyang TVC at magazine covers, gumaganap na rin ngayon si Maine bilang Chef Elize sa “Princess in the Palace.”
 
Kabilang rin siya sa mga bibida sa 2015 Metro Manila Film Festival entry na “My Bebe Love,” kasama si Alden, Bossing Vic Sotto, at Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas. —ALG, GMA News