^

Bansa

Mayor sa Batangas hiniling sibakin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan kay Department of Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento ang mga residente ng Mataas na Kahoy, Batangas na tanggalin na sa puwesto ang kanilang Mayor na matagal umanong nagtatago sa batas dahil sa kinakaharap na kaso. 

Base sa rekord ng korte, noong Marso 31, 2014 pa inisyuhan ng mandamyento de aresto ni Ormoc City RTC, Branch 35 Judge Girlie Borrel-Yu si Mayor Jay Ilagan ng Mataas na Kahoy dahil sa kasong rape na isinampa ng isang tinedyer laban sa kanya.

Walang piyansa na inirekomenda ang korte laban kay Mayor Ilagan kaya nadiskaril ang paglilingkod bayan nito makaraang magtago sa batas.

Nahaharap din si Mayor Ilagan sa kasong human trafficking at illegal possession of firearms and ammunition makaraang salakayin ng mga tauhan ng CIDG ang compound nito sa Barangay Santol sa Mataas na Kahoy noong Disyembre 20, 2015.

Umaapila ngayon ang may 30,000 residente ng fourth-class municipality sa Mataas na Kahoy kay Sarmiento na italaga na bilang OIC ang kanilang Vice Mayor na si Henry Laqui.

vuukle comment

ANG

BARANGAY SANTOL

HENRY LAQUI

JUDGE GIRLIE BORREL-YU

KAHOY

MATAAS

MAYOR ILAGAN

MAYOR JAY ILAGAN

ORMOC CITY

VICE MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with